Ano Ang Kaugnayan Ng Pamagat Na Kayamanan At Karalitan Sa Kuwento Ng Kabanata 10?
Ano ang kaugnayan ng pamagat na kayamanan at karalitan sa kuwento ng kabanata 10?
El Filibusterismo
Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
Ang kabanatang ito ay pinamagatang kayamanan at karalitaan sapagkat ipinapakita dito ang malaking kaibahan ng estado ng buhay ni Simoun at ni kabesang Tales. Si Simoun na kilala bilang mayamang negosyante ang siyang tinutukoy na kayamanan samantalang si kabesang Tales naman na isang magsasaka ang siyang sumasalamin sa karalitaan. Ngunit kung palalawigin ang pagsusuri sa dalawang katauhan, si kabesang Tales din ay may kayamanan na maituturing at ito ay ang pagkakaroon ng simple ngunit marangal na pamilyang kinabibilangan ng kanyang amang si tandang Selo at anak na si Huli samantalang si Simoun ay maralita sapagkat wala na siyang pamilya. Ang tanging nagbibigay sigla na lamang sa kanya ay si Maria Clara. Ang pagiging maralita at mayaman ng bawat isa ay dumidepende sa kung paano sila tinitingnan ng mga mambabasa. Maaaring sa mababaw ng pagbasa si kabesang Tales ay totoong sumisimbolo sa karalitaan samantalang si Simoun ay sumisimbolo sa kayamanan. Ngunit sa kabuuan, ang pagiging maralita o mayaman ng bawat isa ay hindi dapat maging basehan sa kung paano sila tatratuhin ng lipunan. Ang estado sa buhay kailanman ay hindi dapat maging basehan ng pakikipagkapwa tao. Sapagkat ang lahat ay may karapatan na dapat igalang.
Comments
Post a Comment