Namuno Sa Paglaya Ng China?
Namuno sa paglaya ng China?
Paglaya ng China
Ang paglaya sa China ay pinamunuan ni Sun Yat Sen. Ito ay nagsimula sa pagkakatatag ng bagong Republika ng China, na nagmula sa pagkakalaya ng bansa sa kamay ng Qing Dynasty. Si Sun Yat Sen ay isang sundalo, pilosopo, doktor at politiko na nagsilbing pinuno o pangulo ng pansamantalang republika na itinatag noong taong 1912.
Si Sun Yat Sen ay tinagurian bilang Ama ng China sapagkat siya ay mayroong malaking naging ambag upang mapatalsik sa pwesto ng gobyerno ang Qing Dynasty noong Rebolusyon ng Xinhai. Dahils sa kanyang mga nagawa, siya ay kinilala at iginagalang hindi lamaang sa bansang China kung hindi pati na rin sa Taiwan
Siya ay namatay sa sakit na cancer sa abdo, noong ika 12 ng Marso, taong 1925 sa Beijing.
Mga prinsipyo na mayroon si Sun Yat Sen
Ang mga sumusunod ay ang mga prinsipyo na ginamit sa pamamahala ni Sun Yat Sen
- Mínzú
- Mínquán
- Mínshēng
Mínzú
Ito ay may kahulugan na nasyonalismo. Ito ay ginagamit bilang tanda na ang gobyerno ay nararapat na pinamamahalaan ng mga tao. Ito ay makikita sa pagkakaroon ng mga tao ng magkaka parehong:
- dugo
- lahi
- pangkabuhayan
- wika
- tradisyon
- kaugalian
Mínquán
Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng prinsipyo ng demokrasya. Ito ay may kaparehong konsepto ng pamamahala gaya ng mga bansa sa kanluran
Mínshēng
Ang prinsipyo na ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mga tao ng kabuhayan. Dito, tinutuligsa ang ideolohiyang kapitalismo at sa halip ay nagbibigay halaga sa kalagayang sosyal ng mga tao.
Ang kabuhayan ay inihati ni Sun Yat Sen sa apat:
- Pananamit
- Pagkain
- Pabahay
- Mobility
Para sa karagdagang kaalaman ukol sa kalayaan ng China, sumangguni sa mga sumusunod na links:
Pamamaraan na ginamit sa paglaya ng China brainly.ph/question/1341631
Araw ng kalayaan ng bansang China brainly.ph/question/1352442
Mga sitwasyon na nagpapakita ng pagkakaroon ng kalayaan ng isang bansa brainly.ph/question/2223005
Comments
Post a Comment