Implikasyon Sa Kabanata 14 Ng El Filibusterismo?

Implikasyon sa kabanata 14 ng el filibusterismo?

El Filibusterismo

Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Mag - aaral

Implikasyon:

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng tirahan ng mga mag - aaral sa kung paano sila tinatrato sa lipunan. Tulad na lamang ni Macaraig na kilalang nagmula sa isang mayaman at maimpluwensyang angkan. Sa kabila ng pagiging lider ng kilusan ng mga mag - aaral na tumutuligsa sa pagtatayo ng akademya ng wikang kastila, hindi siya naakusahan at napiit ng katulad ng dinanas ni Basilio. Kung tutuusin, si Macaraig ang dapat na nabilanggo ng mas matagal sapagkat siya ang nagpasimula ng lahat ng mga pagkilos sa loob ng unibersidad at kahit lantad ang mga bagay na ito sa kura ay hindi kailanman siya naging kaaway o kalaban sa paningin ng mga ito. Bukod dito, si Macaraig din ang nagsisilbing halimbawa ng mga kabataang may matinding silakbo ng damdamin sa pakikipag himagsikan ngunit kadalasan ay nauuwi sa panunuhol at pagtuturo ng iba sa tuwing sila ay masusukol ng mga kinauukulan. Ang pag asa kay G. Pasta para sa desisyon ni Don Custodio ay pagpapakita lamang na ang papel na ginagampanan ng mga abugado ay napakahalaga lalo na sa mga usaping may kaugnayan sa pamumuno at dapat na naaayon sa batas.


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Schlieffen Plan

Summary Of Luke 4:21-30 And With 2-3 Sentence Reflection

What Will Happen If The Farm Converted Into Subdivisions?